No exercise for five days now. Wow, gentle... kumilos ka naman please.
what i missed out on exercise tho, ibinawi ko naman with writing. Ewan ko ba, when i force myself to write about a specific topic, and by this, i’m referring to poyms, mas malamang sa hindi e mapupunta sya sa iba, sa kakaisip at kakabuild up ng ideas, may makikita akong mas magandang idea na di gaanong related with the first one, and this i end up pursuing instead.
Taglish ako ngayon kasi napagod din ako sa kaka-fix up ng sidebar content ko. Napansin ko kasi its been a while since i put in new content—palagi na lang kasi gentle hears, gentle eats, gentle reads; so i thought of adding new materials, like mga favorite entries kong nigawa since nagstart ako with backseat. I also thought up of adding the 25 gentle things post with my profile, cuz i think it helps me to get intimate with my readers na din. Of course, nagising ako feeling ready for a photoshoot so i turned on my webcam and started flashing my smile na din, haha! shempre blinur ko na din ng konti para mysterious pa din kuno.
Dalawa lang kami ni nanay ngayon, so tatabihan ko na syang matulog after ko mapost ito. Umuwi sina kuya at ate sa Pampanga with the kids for the holy week so its my time naman din para makasama nanay ko. Ayon, makulit pa din. At ow-si. Kanina nung lumipat na kami ng bahay e ilang beses nagpaikot-ikot sa baba, ikot-dito ikot-duon muna ang ginawa bago umakyat; looking for the switch ng ilaw sa likod. Nabuksan na ata lahat, ala pa ding umiilaw. E pundido pala. O e di solb na sana. Nakalahati ko na ang akyat (asa landing na ako, going to 2nd floor) nung tumawag na naman sya sa ibaba. Tinatanong kung napatay ko na daw ba yung ilaw sa garahe. So eto ako, paspas na bumaba para patayin nga. Oo na, nakalimutan ko nga. Sori, tao lang. :) Pag di kasi ako ang nagpatay, gudlak. Mabagal nang kumilos ang nanay ko. Malamang mas abutin pa kami ng syam-syam kung aantayin ko pa syang makarating dun. Pero ang memorya naman nya, matalas pa. She’s very good with details. Parang ako. Malamang yun ang namana ko sa kanya. Though that might be the case, selective na din ang memorya nya; may mga di na sya natatandaan, but what she does remember, dun nagfifit-in yung galing nya sa detalye.
No-meat diet kami kanina, well, except nung umaga. Humabol pa yung kormbip na matagal ko nang naiimagine kainin. Yun yung pinagsaluhan namin bago umalis sina ate. Then dalawa na lang kami for lunch and dinner. Ayun, pinagkwento ko ng pinagkwento. Dun sya naaaliw, reminiscing nung asa manila pa sila at bata pa si ate. Kinikwento nya kung pano napalo ng tatay si ate kasi ayaw kumain ng talong. Ilang ulit na nyang naikwento yun pero hinayaan ko na lang. Yun ang bonding time namin e.
Hay naku, so malamang postponed na naman ang yoga. Antok na din kasi ako e. Plinano ko pa, after this nga sana, pero bukas na lang. Mas kelangan ko ng tulog cuz i rarely get that pag asa manila ako. Tis the season to be resting. Goodnight blogspot!
2 comments:
i love this... me rading this in taglish with my sing-song voice and my maldita twang... so Dingbat...
hehehe. i can very well hear you, dear. :)
Post a Comment