1. Di ako mahilig maligo pag nasa bahay lang ako. It helps preserve my essence, kahit once a week lang. Motto ko : natural scent is da best! Hehehehe.
2. May maliit akong unan na katabi kong matulog simula pa nung baby ako hanggang ngayon. Shempre nilalabhan din naman yun paminsan-minsan hehehe. it helps preserve din kasi my essence. :)
3. Comfort food ko ang paksiw na pata. Daming nauubos na kanin nun. Hehehe.
4. Sobrang love ko manood ng horror movies nung bata pa ako. Karir kung karir. Pero after manood, ay... litanya ito. I-eenumerate ko kay Lord bago matulog ang mga movies na ayaw ko mapanaginipan. Haha!
5. May sando akong favourite kong sinusuot nung bata pa ako. Sa sobrang pagkavorite ko dito, gula-gulanit na at manipis na sa kakalaba e isinusuot ko pa din. Dinadagdagan ko pa ng butas para presko.
6. Dalawa lang kaming magkapatid ng ate ko. Fifteen years ang tanda nya sa akin. My mom had me at 42.
7. Nakipagsagutan ako sa history teacher ko nung highschool. Pano ba naman eepal-epal. Kala nya masisindak nya ako. Baket daw peace officer ang nakaupo sa teacher’s desk habang wala sya, e ako ang class mayor. Sabi ko, “precisely, i gave him the authority to sit there”. O e di tiklop sya.
8. Muntik na akong mawala nung magmilagro si judiel nieva sa agoo la union nung march 1994. First year high school ako noon. Napahiwalay ako sa grupo naming nakiusyoso sa dancing sun. Kasama ko sina ate at auntie peling, silong-silong kami sa mga dahon ng tabako ever.
9. I made a hundred-item-or-so trivia list concerning anne rice and her novels during my anne rice phase. Ganun ako pag adik sa isang bagay... adik talaga. Even my sometime email add at lycosmail was named “lestat”.
10. Artists i listened to sa dorm when i was in college : jewel, Fiona apple, tori amos and sarah mc Lachlan.
11. Dorm fee ko nung 2nd year to 4th year college (1998-2001) was 175 a month; nasa first floor kasi ako noon. Pag assigned kayo sa basement, you get to pay 10 pesos lower, kasi binabaha kayo bwahahaha.
12. The first play i saw na may super torrid kissing scene (tongue and all) was called libog; student thesis yun ng mga nagthe-theater arts. Nasa front row ako nun. Nanlalaki ang mata.
13. i soo love Cate Blanchette and Ralph Fiennes.
14. I own 136 rufus wainwright mp3 tracks, downloaded nung mga panahong super adik pa ako sa kanya.
15. Bopols ako sa math nung high school at college. I dropped math 17 (algebra and trigonometry) nung una ko syang tinake. Nung nag-take two ako the following sem, di ko sya i-drinop kasi akala ko e kaya ko na; ibinagsak ko naman. I took math 11 (algebra lang) afterwards, hoping na maipasa ko sya, then i’d take math 14 (trigonometry) para mabuo ko lang ung required math 17; math 11 pa lang ulet bagsak na naman ako. Take note ha, ako ang isinasali ng school namin sa math quiz bee nung elementary ako. Kamusta naman? Hehehe.
16. I won 2nd place in an amateur on-the-spot poetry writing contest sponsored by goodwill bookstore and Philippine Star around the time na pinapatalsik si erap en pamili sa malacanang.
17. Geology ang first course ko nung college.
18. I indexed Teofisto Guingona’s book “Fight for the Filipino” na kakalabas lang sa bookstores late part of last year. Sadly may pulitikang nangyari and my name did not appear anywhere.
19. I prefer coffee bean and tea leaf and seattle’s best over starbucks.
20. Prone akong manakawan ng fone... mukha bang aanga-anga? First fone na manakaw sa akin, sa dorm nangyari. 2nd time naman, sa bus. Third time, sa sinehan. 4th sa kalye pagbaba ko ng mrt taft, laglag barya gang. 5th sa bus, inislash pants ko. Laban ka?
21. Yuck food – balot, aso, kambing. Pero sabi nung mga tita ko, favorite ko daw yung sisiw sa balot nung bata pa ako. Tambay kasi ako sa pwesto nila sa bayan nung mga 3 years old pa ako, and they will buy balot for me. Ang plastic ko no, pa-yuck yuck pa ako ngayon. E Yuck naman talaga no. Imagine may nag-dadangle pang paa ng sisiw sa bibig ko. Shet.
22. May autistic akong pamangkin na kamukhang kamukha ko nung bata pa ako. Eyes, lips, pisngi, complexion, even the appetite. Akong ako. Mahilig din sa double dutch na ice cream. Hehehe. his name is cj.
23. Gustong gusto kong mini-mispronounce mga words at mag-ulit-ulit ng mga salita kapag super hyper ako at nagtitrip. Malas mo lang kung matyempuhan mong kasama kita sa mga panahong ganyan dahil i’ll make sure maiinis ka.. diba eyvicat? Hehehe.
24. my first time to ride an airplane was when the group went to boracay in 2007. Super excited ako and takot at the same time. di ako marunong lumangoy no. Pano kung mag crash yung plane. Twas also the time na lumobo ang pisngi ko because of a bacterial infection. Super ganda talaga ng timing. Enjoy!
25. Gentle is short for John Furie Zacharias. Di ako ito. wag masyadong assuming okei? Main character sya sa novel ni Clive Barker na “imajica”.
11 comments:
Wow, I love posts like this from other bloggers..sa lists ko.
Nakakatuwang makilala kayo..
Nice, pareho ata kayo ni JamieDaVinci na gusto si Cate Blanchett, bumuo kaya kayo ng fans club nya dito, lolz, piz!
Accident prone area ka pala pagdating sa cellphone.. Mag ingat ka naman! ibigay mo nal ang sakin phone mo kung ayaw mo!
Ang dami kong sasabihin, ang dami din kasi nito..
Thanks for sharing this too..
cheers!
wow! you really took time to write this. in a way parang mas nakilala kita =)
astig! on-the-spot poetry. you really have a gift. =)
nag-Narra ka ba?
@ dylan - hehehe. i'll ask jamie to draft the consti and by laws ng itatayong fan club. :)
@ gravity - thanks for appreciating the effort. :)
@ victor - oo naman. :)
I so hate Math subjects pero ikaw mukhang kinarir mo kahit ibinabagsak mo.. love na love mo ata..wahaha! Anu bang course yan at umaapaw ng Math subjects.. Major mo?
Uhm, Samurai X ang nagustuhan ko lalo na yung movie nun.. Nakakatuwa yung Detective Conan..Mapapaisip ka..
@ dylan - Geology ang first course ko. ambisyoso eh. gusto maging scientist. eh madami palang math; which i soo love.. malay ko ba?
Yuck on balut! LOL! =)
Alam mo friend andami pala sa mga blog friends ko ang gusto ma-tag with 25 Random Things. Nagulat lang ako after na nagsuluputan na ang mga ganitong posts. Sayang sana ni-tag ko din sila kung alam ko lang na gusto din nila. Hehehe =)
@ scheez - my apologies di po nag-appear neym mo sa unang posting ko. naedit ko na.. tenx for tagging me scheez!!
kaya naman pala. totoo ba ang mga kuwento tungkol sa mga nagaganap sa basement? LOL.
tungkol sa math, buti naigapang ko. muntik na ko sa math 100, buti nai-tres ko pa.
10. Artists i listened to sa dorm when i was in college : jewel, Fiona apple, tori amos and sarah mc Lachlan.
- Apir!
menopausal baby ka pala. no wonder you're smart (uhmm, the way i perceive your writing). hehe :P
i also love cate blanchett. have you wayched the movie elizabeth. she was majestic.
---
i totally agree :) belated happy valentines day.
Post a Comment