12.31.2008

si ateng eksenadora

from the demolished muni-muni ni diyentel:

nasa mall ako kaninang tanghali para humabol sa pagbili ng mga ipanreregalo sa mga pamangkin at inaanak. at dahil pitong araw na lang at pasko na, kandahirap at taranta na ako sa pamimili ng kung ano ba ang bagay na ibigay kanino at kung ano. haay. ayan kasi. bisi sa kakablag, di tuloy napansin na magagahol na sa oras sa paghahanda ng mga regalo. hehehe. ayan diyentel, magbabalot ka pa ha, alalahanin mo. sino bang damuho ang nakaisip ng gift giving tuwing pasko? kelangan ko tuloy indahin ang siksikan, walang tigil na ikutan, at siyempre ang pilang pagkahaba-haba kanina. pero dahilan sa lumaki naman akong sanay sa kakapila, ayan, kahit medyo naiinis na ako eh nakuha ko na lang aliwin ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-iisip ng kung ano ba ang magandang iblag. adik talaga, no? :) tingnan mo nga naman, mag-iisip pa lang ako e heto na ang grasyang biglang nahulog sa harapan ko. este, tagiliran ko pala. hehehe. bisi-bisihan kong inaaliw ang sarili ko sa pag-iisip ng tapik nang me narinig na lang akong iritang-irita na boses ng isang ate sa bandang kaliwa ko. "ano ba, diba dito naman talaga tayo kanina, di ba? umalis lang naman tayo sandali". lumingon ako mula sa pagmomoment ko para makita sa kanyang kabuuan si ateng eksenadora. si ate, patwitams pa naman ang get ap. papasa pa naman sanang extra sa Maynila ni Lito Atienza; yung mga tipong kapal-kapalan ang meyk ap at false eyelashes na dinadaanan ng camera at nakikipaglambutsingan kuno sa isang restawran bago iclose-up kina yasmien kurdi at ranier castillo..na nagpapatwitams din, haha!! ang kalambutsingan ni ate, hayan, si kuya.. hiyang hiya sa pag-eeksena ni ateng kapal-kapalan ang mukha. este meyk ap pala.. este, pwede all of the above na lang? :) gusto ko magreak pero ayoko magmukhang tsip kaya dedma na lang, parang alang narinig. buti na lang matyaga at di magkandatuto sa pag-alo si kuya para lang tumigil sa pagngawa ang ate mo. andyang sabihin nya na "dun na lang tayo sa likod", "umalis naman tayo kanina, di ba?" o "nakakahiya sa mga nakapila". na sa lahat ng sinabi nya gusto kong magreak at sabihing "bow, kuya, ang galing mo!" kung tutuusin, tama naman talagang di ko na lang pinansin si ateng twitams kasi di ko naman talaga siya nakita sa pila kanina. she was nonexistent to begin with. ahehehe. atsaka, andami na rin kayang nakasunod sa akin... sang milya na. patigasan na lang to ng mukha. ahehe. jowk. helow, kung tama ba sya e bat si kuya ang unang-unang bumaliktad papunta sa side namen? ano, sige.. sagutin mo nga?! kung naiinip ka na gaya ng pagkainip ko kanina sa ilang take na din namang eksena ng ate at kuya mo, eh i-fastforward na natin sa aktong ako na ang magbabayad ke ateng kahera. ayon, walang kagana-ganang pinants ang amount sabay tanong kung "may sm advantage card po ba kayo?". sinagot ko sya ng "next taym", sabay ngiti ng ngiting gustong magdayalog ng "ano ba, bilisan mo nalang ate, i wanna get outa here!! " hehehe. palayo na ako pero naririnig ko pa din si ate. nakapila na sya sa likod pero tuloy pa din ang tsorba. ang tindi talaga.

3 comments:

. said...

asahan mo yung ganung mga kaiingay na mga babae eh hindi tumatagal sa relasyon.

Lalo na kung mas matino yung lalaki.

Happy New Year Gentle!

jamie da vinci! said...

pramis.... no more delusions of toe sucking! hahaha

happy new year, gentle the tree climber!

lucas said...

ahehe! madalas ako makaranas ng ganyang mga eksena kaya lang mga pasimple...hindi tulad ni ate..talagang pakapalan ng mukha at make-up..ahehehe...