from the demolished muni-muni ni diyentel:
pauwi na ko kanina galing sa trabaho nung maisipan kong dumaan sa wendys para kumain. pumila ako kasi may babae pa akong naabutang umuorder. di naman masyadong katagalan kasi mukha namang kumuha ng customer relations workshop si kuyang nagkakahero. "sir dito na po", ang sabi nya. pumwesto na ako na at akmang bubuka na ang bibig para sabihin ang order ko nung biglang nag-aparisyon si kuyang gusgusin at sumisingit ng order. salad daw. meron daw ba silang salad. napatingin ako sa pinanggalingan ng boses; ayoko mang maging mapanghusga e, gusgusin nga talaga si kuya. para bang kakagaling lang nya sa mahabang lakad, o kaya'y mahabang pagkakaupo sa isang sulok ng edsa. naaalikabukan, nauusukan, pinagpapawisan. nangangamoy si kuya. at parang may ilang buwan na syang di nagsuklay. kung may malapit man sa ligong nangyayari, malamang hanggang punas lang yon ng bimpo. quiet lang ako. pinagmamasdan ko kung may kaibang gagawin si kuya at anytime nakaready na akong tumakbo pero mukha namang nasa tamang pag-iisip pa sya..ala lang sa tamang amoy. hehe. si kuya kahero pinauna ulit akong magsalita. kinuha nya ang order ko at mabilis na pinindot sa kaha ang presyo. sabay abot ng bayad ko. tapos balik sa pagkausap kay kuyang gusgusin para ipaliwanag ang iba't-ibang klase ng salad na meron sila. may hawak-hawak na 100 peso bill si kuyang gusgusin. nakatupi yon sa pagitan ng nga daliri nya gaya ng paghawak ng mga konduktor sa bus. nung makuha ko na ang order ko, agad akong pumunta sa peyborit kong sulok para pagmasdan ang mga susunod pang pangyayari. mukhang nagdowngrade si kuyang gusgusin. nung magkatabi pa kasi kami nadinig kong sabi nya na "bigyan mo ko nung 97 [pesos]". mula sa pagkakaupo ko, nakita kong pumasok ng CR si kuyang gusgusin habang inayos naman ni kuya kahero ang order nito. apat na side salad ang nakita kong inaayos nya sa plastik habang pangiti ngiti at pailing-iling. parang hindi alam kung pano mag-rereak. "nasa yari ka ba ako at anytime mag-aalis ng prosthetics si michael v.?" pati si ateng pa-order pa lang e napapailing din at napapangiti kay kuya kahero na para bang gustong mangusap ang mga mata nila at sabihing we share something inexplicable. nung bumalik si kuyang gusgusin galing CR, balik professional ang asta ni kuyang kahero na para bang di nya ininda ang moment nilang dalawa ni ate kanina. pinagmasdan ko si kuyang gusgusin habang papalabas. madaming naglalaro sa isip ko habang paalis sya. san nya nakuha yung 100 pesos? kinita kaya niya iyon sa kung anumang pinagkukunan nya ng kabuhayan at for a change dahil magpapasko naman e naisipan nyang magwendy's side salad? ilan na kaya ang mapapakain ng apat na order na yon? may mga anak kaya si kuya? sabay kapa sa bulsa ko. hindi kaya akin yung 100 na yon at baka nahulog ko sa mrt habang pababa kanina? ayokong maging mapanghusga kayat pilit na hininto ang pag-iisip ng kung anu ano pa. basta na lang ang sabi ko sa sarili ko, malamang ang motto ni kuyang gusgusin e nakuha nya sa title ng pelikula ni pops fernandez dati.. gusto ko nang lumigaya.
2 comments:
sana sinundan mo cya. hehe.
@ anonymous- ahehehe. laitero lang po ako, hindi stalker.. hehehehe.
Post a Comment