Maaga akong nagising, mag-aalas singko pa lang ng madaling araw kanina. Ginising ako ng landlady ko. May sunog daw sa kabilang kanto. Naglabasan din yung ibang mga nagrerent para silipin ang kaguluhan sa kalsada. Fire-out naman na nung lumabas kami at naki-usi—usok na lang ang natatanaw namin coming from the roof of houses. Buti na lang mabilis mag-respond ang mga bumbero namin. The last thing i want to do is to haul my things outside the street at magtatakbo palayo sa nasusunog na unit ko. hehehe. wa-poise.
So ayun, balik na kami sa kanya kanyang unit. Got to meet two renters na nun ko din lang nakita, and malamang yun na rin ang last na pagkikita namin. May kanya-kanyang mundo dito, most of the renters here work at call centers, and malamang yung iba kakarating pa lang from work, nag-reready matulog. Yung iba naman have day jobs like me, and malamang papagising na din to prepare for work. Ako, well nakaleave ako at pauwi naman ng province later, hehe. Since medyo mahaba na din ang tulog ko, i took advantage of having rested my body quite sufficiently, to do something i haven’t done in a while. Since my operation, i had zero physical activity relating to exercise so i tried my left wrist for the first time in nearly two months, if it can already withstand the pressures of chaturanga dandasana. Ok naman, nakaka-balance naman ako with the yoga push up position pero i notice that said wrist and arm kinda tremble with my weight when i lean forward, getting to the full pose. Yes, the operation weakened my wrist. Not the one to easily give up, i pushed myself to meeting the 14 repetitions of a full sun salute cycle i set myself to do on the outset. Natapos ko naman. Yan, puro sun salute muna in the next three days or so, just so masanay ulit katawan ko with exercise. Next week i’ll be including treadmill na, kahit pakonti-konti. Lifting weights will have to wait a little longer. Kung sa body weight nga lang sa yoga, nanginginig na ako, how much more with actual weights? Gudlak.
After that, i got to editing some pictures still in my sd card. Gotta remind myself to buy a reserve card; grabe, in just two months of shooting with cocoy (my Nikon dslr) napuno ko na kaagad yung freebie na sd card, hehe. Pwede na ko umuwi after typing this, actually, pero may bilin pa si geloy, and that anime shop doesn’t open til 12 noon. So i guess, i can still upload some pictures for flickr, and go to the fort to buy cupcakes at sonja’s. Shet, antakaw ko. haha! Hindi kaya!! Gusto ko lang naman patikman si ate, di pa kasi nya natitikman yun. Layo kasi ng the fort kung sasadyain ko straight from work in the evening tapos byahe na din kaagad ako pa-probinsya.. e anong oras na kaya ako makakarating non, no?!
3 comments:
kainggit naman.
hahaha. naks naadik sa photography. hehehe!
in fairness ha, i miss your poems.
and you still have another chapter to add sa alam mo na yun. hehehe
good to know though that ur wrist is getting better and better.
-geek
Post a Comment