12.03.2009
si nanay at ang mga panget na tuta
Dadalawa na lang yung tuta namin out of the three that i wrote of, in my home alone entry last October. Yung pinakakyut sa kanila na gustong gusto ni nanay, dinampot ng mga hinayupak na kapit bahay namin some days ago. Marunong na kasi silang lumabas ng gate. Last ko syang nakita on the first night after my operation, nung kakarating lang namin ni ate from Manila. Pinansin ko pa nga, kasi last week lang eh behave pa sila. Kahit bukas pa yung gate, di sila lumalabas. and then yun nga, nung papalipat na kami sa kabilang bahay for the night biglang sumunod silang tatlo with the two grown dogs at lumabas ng kalsada. Ala namang gaanong nag-effort na papasukin sila kasi nga maliliit pa lang sila at nakakalusot pa sa siwang ng gate kaya kayang-kaya nilang bumalik after ng gala nila. Pero hayun, the next day ala na sya. Bumalik yung dalawang panget na tuta except sya. Problemado tuloy si nanay. She’s thinking baka yung isang taga neighborhood na palaging bumabati sa aso at nag-oofer pa kay nanay na bilhin na lang, na sya ang salarin. Syempre ang nanay ko sisimple-simple lang yan pero may natatagong taray din kaya’t nakarinig na lang si Anita (ang mahaderang neighbour) ng “they’re not for sale” in ilokano. Hehehe. that day, palagi nya yung binabanggit. Syempre, palagi mo ba namang kasama sa bahay tapos bigla-bigla na lang mawawala. Nakita ko pa ngang nakadungaw sa terrace si nanay at medyo nakatulala. I thought it couldn’t be the pup entirely. Matanda na si nanay. Mabagal nang maglakad at medyo bent na ang likod. Most of the time, pag wala kami dahil may kanya-kanyang pasok (even CJ, na may speech therapy sessions in the afternoon), she’s left with the dogs and her afternoon telenovelas. so just imagine it for her, the loss. Kinakausap-kausap pa nga nya yung mga yun. And yes, i couldn’t help thinking that it might be other concerns too, relating sa pagtanda. Haay. Ayokong maging emotional dito. Medyo malakas pa naman si nanay. Sya pa nga ang gumising sa akin at nag-asikaso ng almusal ko when i left for manila to see my doctor yesterday. i just dread to see the day na bigla syang manghihina. Parang di ko kakayanin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
namiss ko naman nanay ko....
ako uuwi sa pasko kaya makikita ko na ulit nanay ko at mga kapatid ko hehe
mag-spy ka sa neighbor nyo..baka nga hinarbat niya yung dog. i dont want to see my mom like that. :(
aaaaaaaaw sana alagaang mabuti nung nag trip mangharbat ng aso yung puppy ni mader....
ako rin bigla ko namiss nanay ko..and speaking of tuta when I was small lagi na lang ninanakaw ang tuta namin--mga neighbors din namin ang salarin sino pa nga ba?
Anyway, hope your nanay is well and stay healthy.
i think your mom and i are alike in that sense. i'd be really sad too. baka nga i-ober da bakod ko pa si anita. haha
nakakaiyak, naalala ko si inay. *sob*
me dalawa kaming tuta ngayon. out 9 puppies na pinanganak ng aso namin, dalawa na lang natira. iba hiningi yung iba naman pumunta na sa doggie heaven wika ng iba. hehehe.
Post a Comment